76

Oct 9, 2017 @ 11:28

Babagsak pa ang rating ni Duterte – Trillanes

Malaki ang paniniwala ni Senador Antonio Trillanes IV na lalo pang bababa ang rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod pang mga survey.

Ito’y dahil sa nagsisimula na umanong makita ng taumbayan ang tunay na ugali ng pangulo na isa umanong sinungaling, korap at abusado.

“It’s very encouraging to know that the Filipino people are beginning to see the light. They are now seeing Duterte for who he really is: a lying, rude, amoral, corrupt and oppressive former mayor who is totally incompetent about governance at the national level,” sabi ni Trillanes sa isang statement kanina.

“Worse, his bloody war on drugs has killed thousands of his own people and created a climate of fear across the country,” Trillanes added.

Paniwala ng senador, magiging “worse” pa lalo ang susunod na survey dahil ang resluta ng latest Social Weather Stations (SWS) ay isingawa bago pa man nagsimulang imbestigahan ng Ombudsman ang bank accounts ni Duterte.

“To think that this survey was done just before the Ombudsman confirmed Duterte’s billion peso bank deposits, so the net survey results are expected to be worse,” ayon pa kay Trillanes.

Paulit-ulit na inakusahan ng senador si Duterte na may bank transactions na mahigit sa P2.2 bilyon mula Setyembre 2006 hanggang December 2015.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?