40
ABANTE tulak arrested jail drug pusher
By

Babaeng tulak, huli sa buy-bust sa Marikina

Sharing is caring!

Arestado ang isang 53-anyos na babaeng tulak matapos ang ikinasang buy-bust operation ng Marikina Police nang pagbentahan ang poseur na police ng illegal na droga, kahapon ng madaling araw sa Barangay Tumana, Marikina City.

Kulong sa Marikina detention cell ang suspek na si Gemma Juliano, residente ng Barangay Tumana at nahaharap sa kasong paglabag sa Sec 5 at Sec 11 ng RA 9165 o Illegal Drugs Act.

Batay sa report, nagsagawa ng buy bust operation ng mga miyembro ng Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni Insp. Greco Gonzales, sa Block 75, Angel Santos St. sakop ng Barangay Tumana, bandang 1:00 kahapon.

Nabatid na kasama sa listahan ng drug watch list ang suspek at kilalang tulak ng Tumana ngunit madulas lamang ito kaya hindi nahuhuli ngunit nang magpositibo ang pulisya sa kinaroroonan nI Juliano ay agad nang nagsagawa ng buy bust.

Isang police poseur buyer ang nakipagtransaksyon kay Juliano para bumili ng isang pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P500 at nang aktong ibibigay na ang droga ay agad nang dinampot ang suspek.

Bukod sa isang pakete ng shabu, nakumpiska rin mula sa suspek ang lima pang pakete ng droga. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?