29
men-in-jail-arrested-shabu
By

Babaeng supplier ng shabu sa kulungan, kalaboso

Sharing is caring!

Hindi na nakalabas pa ng Sta. Mesa Police Station ang isang ginang na bumibisita lamang sa kanyang nakakulong na live-in partner makaraang makuhanan ng iligal na droga ng mga pulis na sumita sa kanya.

Batay sa impormasyon mula kay Police Supt. Ruben Rama Ramos ng Sta. Mesa Police Station-6, pasado alas 5:40 hapon ng sabado nang bisitahin ng suspek na si Glenda Garcia, 42, ng kanyang nobyo si Wesley Imperial, na nakulong sa kasong droga.

Habang nasa loob ng istasyon ng pulis ang ginang ay nakatanggap ng impormasyon si Police Chief Inspector Ermie San Agustin na sinusuplayan umano ng shabu ni Garcia ang mga inmate sa kanilang presinto.

Dahil dito, nagsagawa ng security inspection si San Agustin at ipinag-utos ang pagkapkap sa suspek. Dito ay positibong nakuhanan ng dalawang plastic sachet ng shabu si Garcia na nagtitimbang ng 0.04 na gramo.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang kinahaharap ng suspek na idenitine na rin sa loob ng tanggapan ng Sta. Mesa PS-6.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?