561

Oct 20, 2017 @ 18:47

Babaeng sundalong sumabak sa Marawi, sabik na sa HK trip

Nasasabik na umanong makauwi ang mga babaeng sundalong sumabak sa Marawi City para sa inaasam na pangakong bakasyon sa Hongkong ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi kahapon ni Armed Forces of the Philippines Spokesman Major General Restituto Padilla na malaking bagay na makapag-relax at makapagpahinga ang mga sundalo matapos ang naging karanasan sa Marawi City.

Hindi aniya biro ang matinding pagod, puyat at gutom na pinagdaanan ng mga su daling sumabak sa bakbakan para ma-neutralize ang Maute terror group.

Sinabi ni Padilla na magsisilbing motivation at inspirasyon ng mga sundalo ang pangako ng Pangulo na bakasyon sa Hongkong para lalo pang magpursige sa paglaban sa mga kalaban ng estado.

“Excited na ang mga sundalo na matapos na ang krisis kasi tutuloy na sila sa Hongkong,” ang pahayag ni Padilla.

Aalamin aniya ng AFP kung paano ang sistema sa magiging bakasyon ng mga babaenf sundalo sa Hongkong.

Sasagutin ng isang kumpanya ng eroplano ang roundtrip airline ticket ng mga babaeng sundalo habang sagot naman ng Presidente ang hotel accomodation at oamg-shopping ng mga ito. (AIleen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?