95

Nov 1, 2017 @ 10:42

Babaeng sundalong sumabak sa Marawi, namamasyal na sa HK

Nagbabakasyon na sa Hong Kong ang ilan sa mga babaeng sundalong sumabak sa mga terorista sa Marawi City.

Ito ang kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang news conference sa Davao City matapos dumating galing sa kanyang dalawang na pagbisita sa Japan.

“Nandoon na sila. Ano ka man. Nauna pa sa amin… Nag-asawa na nga ang iba pagbalik eh,” sabi ni Duterte.

Sabi ng Pangulo, sagot ng Cebu Pacific ang gastos sa paglipad sa HK habang siya naman ang nagbigay ng pangbaon at sinagot ang gastos sa hotel

“It was Cebu Pacific who answered for… Nung nalaman niya na… na sabi ko, sabi niya, ‘Sige, ako na lang ang — iyo na lang ang baon pati hotel,” ayon sa Pangulo.

Nauna nang nangako si Duterte na kanyang pagbabakasyunin sa HK ang mga babaeng sundalong lumaban sa Islamic extremists sa Marawi City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?