11

Oct 10, 2020 @ 10:11
By

Babaeng suicide bomber arestado sa Sulu

Nadakip ng mga sundalo ang isang pinaghihinalaang suicide bomber sa Jolo, Sulu nitong Sabado.

Ayon sa Joint Task Force Sulu ng Western Mindanao Command, ang suspek ay kinilala na si Rezky Fantasya Rullie, isang babae na Indonesian.

Nadakip ito sa Brgy. San Raymundo bandang alas-1:50 ng madaling-araw, kung saan inaresto din sina Inda Nurhaina—na tinuturong asawa ng Abu Sayyaf sub-leader na si Ben Tattoo—at Fatima Sandra Jimlani na umano’y asawa naman ng Abu Sayyaf member na si Jahid Jam.

Nakuha sa mga suspek ang isang suicide vest na nilagyan ng mga pipe bomb, pati na rin ang iba pang sangkap sa improvised explosive device.

Ayon kay JTF Sulu commander Brigadier General William Gonzales, si Rullie ay una sa kanilang listahan ng mga banyaga na terrorist suicide bomber sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?