16

Jun 8, 2021 @ 20:23
By

Babaeng PWD patay sa sunog sa Zamboanga

Nasawi ang isang babaeng may kapansanan sa isang oras na sunog sa Barangay Tumaga, Zamboanga City noong Lunes, June 7.

Ayon sa ulat, 20 miyembro ng pamilya ang inilikas sa isang paaralan matapos mawalan ng tirahan sa sunog.

Kinilala ang biktimang si Maria Leilene Lagonera, 30, isang babaeng may kapansanan sa pag-iisip at na-trap sa sunog.

Nagsimula umano ang sunog sa kusina sa bahay ng nagngangalang Amy Lagonera.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?