53
soco

Babaeng pulis todas sa pananambang sa Zambo

Sharing is caring!

Pinagbabaril sa labas ng kanilang bahay ang isang babaeng pulis at ka-live in nito sa Zamboanga City nitong Huwebes ng gabi.

Naisugod pa sa ospital si PO2 Rozalie Macapili pero namatay din matapos magtamo ng ilang tama ng bala sa ulo at katawan.

Nagpapagaling naman sa ospital ang kinakasama nitong si Lynet Tuballa.

Ayon sa ulat, may nambato umano sa bubong ng bahay ng mga biktima sa Barangay Baliwasan kaya lumabas sila para tingnan ito pero paglabas ay niratrat agad sila ng bala ng isang lalaki at saka tumakas sakay ng motorsiklo.

Anggulong may kinalaman sa kanyang trabaho ang motibong tinitingnan sa krimen dahil miyembro ng drug enforcement unit si Macapili kung saan target ng operasyon nila ang may kinalaman sa iligal na droga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?