125

Jan 1, 2021 @ 18:50
By

Babaeng pulis arestado sa pagpapaputok ng baril

Dinakip ang isang pulis Malabon dahil sa indiscriminate firing ilang oras bago mag-Bagong Taon.

Kinilala ni Philippine National Police spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana ang policewoman na si Staff Sgt. Karen Borromeo.

Inaresto si Borromeo matapos isang concerned citizen ang mag-report tungkol sa pagpapaputok niya ng baril bandang alas-7:45 ng gabi noong Huwebes, Dec. 31.

Kusang-loob aniya na isinuko ni Borromeo ang kanyang armas at kasalukuyan nang iniimbestigahan

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?