219

By

Babaeng pina-print ang mukha sa brief ng BF, viral online

Imbes na mainis, natawa ang isang lalaki sa regalo sa kanyang mga brief ng kanyang girlfriend.

Viral ang post ng netizen na si Jhamn Kathe Ruflo Lagmay dahil sa unique gift ng kanyang kasintahan.

Inilagay kasi ng babae ang mga litrato niya sa regalo niyang mga brief kay Lagmay.

Ani Lagmay sa post, “Kaya daw niya pina-print ‘yung mukha niya para daw kung sakaling magloko ako mahihiya daw ‘yung babae kasi makikita daw ‘yung brief ko na may mukha niya.”

“Hi love. Thankyou sa gift mo. Lupit mo talaga mag-isip love wala akong masabi hehe epekto yan ng kakanood mo ng KMJS eh,” biro pa ni Lagmay sa kanyang girlfriend.

Nakahakot na ito ng 15,000 likes at 24,000 shares sa Facebook.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?