28

Oct 14, 2021 @ 13:24
By

Babaeng notorious nilikada sa Maynila, utas

Isang bangkay ng babaeng tadtad ng tama ng bala ang bumulaga sa mga awtrotdad sa isang paupahang bahay sa Malate, Manila.

Ayon sa ulat ng 24 Oras, nakarinig umano ang ilang residente ng putok ng baril bago makitang wala ng buhay ang bebot.

Ani Guillermo Friera, chairman ng Barangay 704, nasa drug watchlist ang babae.

“Mayroon pong isang nakakita doon sa pamamaril. Bukod po sa naka-mask, naka-jacket daw po na itim. Ngayon po ay nakikipag-ugnayan ako sa kapulisan,” sambit niya sa isang pahayag.

Kaugnay nito, sinabi ni Manila Police District spokesperson Police Captain Philip Ines na tukoy na nila ang suspek sa likod ng pamamaril.

“Identified na rin naman natin itong mga suspek na ito. Ongoing ang ating follow-up… Involved ito sa illegal drug activities, ‘yon ang tinitingnan nating anggulo diyan at motibo,” wika niya. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?