31

May 18, 2021 @ 17:52
By

Babaeng natutulog, dedo matapos barilin

Sa kabilang buhay na ang diretso ng tulog ng isang 44-anyos na babae sa Iloilo matapos pagbabarilin habang natutulog nitong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Girlie Enriquez, na residente ng Barangay Pispis sa bayan ng Maasin.

Ang kinakasama lamang ng biktima ang tanging saksi sa pangyayari. Aniya, bigla na lamang siyang nakarinig ng mga putok ng baril mula sa kabilang kubo kung saan natutulog ang biktima.

Ayon pa sa kanya, nagising pa si Enriquez at sumisigaw pa para makahingi ng tulong.

Nadala pa sa pagamutan ang biktima ngunit dineklara ring dead on arrival.

Ayon sa pulisya, 9mm pistol ang ginamit ng suspek base na rin sa mga basyo ng bala na nakuha mula sa pinangyarihan ng insidente.

Inaalam na ng mga pulis ang posibleng suspek sa pagpatay at ang kanyang motibo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?