44

By

Babaeng nanalisi sa mall, nabisto

Huli sa pagnanakaw ng magagandang damit ang isang ginang sa isang kilalang mall sa Pasay City nitong Lunes.

Sa kulungan ang bagsak ng suspek na si Maria Kristina Allysa Aguirre, 27, walang trabaho at nakatira sa Barangay 191, ng naturang lungsod makaraang arestuhin ng security guard.

Base sa ulat ng Pasay City Police, ala-una ng hapon nang arestuhin ng security guard na si Annie Rose Serjas ang suspek sa loob ng department store sa SM Mall of Asia sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay Serjas, napansin niya na isa-isang inilalagay ni Aguirre ang mga damit na nasa mga istante sa dala niyang katsa na bag at nang mapuno ay dumiretso ito palabas ng store.

Pagsapit sa Exit 6, dito na niya kinompronta ang suspek at hinanapan ng resibo.

Wala umanong maipakitang resibo ang ginang kaya inaresto.

Agad na dinala ang suspek sa security office bago tuluyang isinuko sa Pasay City Police para masampahan ng kasong theft sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Base naman sa pahayag ng suspek, kaya lang umano niya nagawang magnakaw ng mga damit dahil sa kagustuhan nitong magkaroon ng bagong kasuotan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?