69

Jul 19, 2021 @ 15:06
By

Babaeng mula sa Maynila todas sa Delta variant

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na tatlong Pilipino na ang nasawi dahil sa mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pinakabagong nasawi ay isang 58-anyos na babaeng mula sa Pandacan, Manila, na namatay noong June 28.

Ang dalawa pang nasawi dahil sa Delta variant ay isang 78-anyos na babaeng mula sa Baybay, Antique na namatay noong Mayo 30 at isang 63-anyos na lalaking crew member ng MV Athens, na pumanaw naman noong Mayo 19.

Sa ngayon ay kabuuang 35 Pilipino na ang tinamaan ng Delta variant sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?