83

Jun 17, 2021 @ 13:54
By

Babaeng konsehal inutas ng tandem

Binaril ang isang barangay councilor ng Brgy. Mercado, Hagonoy, Bulacan nitong Miyerkoles.

Nasawi si Maria Romalie Buensuceso Aguilar, 45, matapos itong bogahin sa ulo ng riding-in-tandem sa harapan ng kanyang hardware store sa Barangay Iba O Este, Calumpit, Bulacan.

Nilapitan umano si Aguilar ng mga suspek na nagkunwaring customer bago ito paputukan ng dalawang beses.

Kaagad na tumakas ang riding-in-tandem patungong McArthur Highway.

Patuloy pang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga pumaslang sa konsehal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,