100

May 20, 2020 @ 14:05
By

Babaeng kadete nanguna sa PNPA Mandayug Class of 2020

Babaeng kadete ang nanguna sa Philippine National Police Academy (PNPA) Mandayug Class of 2020.

Sa inilabas na listahan ng PNPA sa pamamagitan ni Police Brig General Wilfredo Cayat, Commandant of Cadets, kinilala ang Top 1 na si Cadette Lei Anne Banico Palermo ng Zambonga City na mapupunta sa BFP.

Siya ay tatanggap ng President Kampilan at Chief BFP Kampilan.

Ito naman ang listahan ng mga sumunod kay Banico:

2. Cadet Julius Ceazar Panganiban Tarnate ng Bagong silang, Caloocan City na mapupunta sa BJMP: Tatanggap siya ng Vice President Kampilan at Chief BJMP Kampilan.

3. Police Cadette Zandra Gutierez Tabar ng Curuan, Zambonga City , tatanggap siya ng Sec of DILG Kampilan at Chief PNP Kampilan at Best in Forensic Science.

4. Fire Cadet Lindon Pariña Narvaza ng Kidapawan City, North Cotabato

5. Jail Cadette Jerelyn Dacles Barua ng Cuartero, Capiz

6. Jail Cadette Irish Adriano Guzman Gumaru ng San Pablo, Isabela

7. Jail Cadet Enrico Rosario Reyes ng San Carlos City, Pangasinan

8. Police Cadet Jose Leander Reyes Velasquez ng Cebu City.

9. Police Cadet Lanie Rionda Mendoza ng Ragay, Camarines Sur at Best in Math and Science

10. Police Cadet Jesulito Lagarto Javier ng Lucena City, Quezon Province

Ang PNP MANDAYUG CLASS of 2020 ay nakatakdang magtapos sa May 22 depende sa availability ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kinabibilangan ito ng 277 na Kadete,194 ay lalaki at 83 ay babae kung saan 202 ay napupunta sa PNP, 59 sa BFP at 16 sa BJMP.

Virtual graduation ang magaganap na pagtatapos, walang pamilya o kaibigan na dadalo ayon kay PNPA Spokeperson Col. Byron Allatog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?