326
Babaeng Iranian sinipa, sinuntok ang isang pulis
By

Babaeng Iranian sinipa, sinuntok ang isang pulis

Isang Iranian national ang nahaharap ngayon sa kaso matapos umanong sipain at suntukin ang isang police officer sa Puerto Galera.

Sa inilabas na statement ng Puerto Galera Municipal Police Station, nakatanggap umano sila ng tawag mula sa isang barangay chairman na sinabing nag-aamok ang isang babaeng Iranian sa kanilang lugar.

Ang babae na pinangalanang Fereshteh Najafi Marbouyeh, 31, ay sinasabing nakainom, naghubad pa umano ng damit at sinabing nanunog pa ng kamay ng isang pulis gamit ang sigarilyo.

Matapos umanong arestuhin ay pinagmumura pa umano ang mga pulis dahilan para makasuhan ng direct assault upon a person in authority

Nakakulong ang Iranian national sa isang detention cell sa Puerto Galera Municipal Police Station.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?