110

By

Babaeng estudyante timbog ‘laslas bag’

Sharing is caring!

Inaresto ng pulisya ang isang babaeng high school student dahil sa modus na ‘laslas bag’ sa Mall of Asia (MOA) kamakalawa.

Hindi na nakatanggi ang suspek na si Rina delos Santos dahil marami ang nagturo sa kanya na siyang lumaslas ng bag ng apat din kabataan sa kalagitnaan ng isang event.

Bukod dito, nabawi din sa kanya ang dalawa sa apat na cellphone na natangay sa mga biktima.

Sinabi ng mga biktima hindi nila namalayan ang paglaslas sa kanilang bag dahil abala sila sa panonood sa programa.

Matapos madiskubre na nawawala ang kanilang mga cellphone at wallet ay pinapunta sila sa Lost and Found Section at doon naisoli sa kanila ang kanilang mga pitaka ngunit wala na ang kanilang mga pera.

Sa tagpong ito ay itinuro ng mga saksi ang 18-anyos na suspek na hindi pa umalis sa event.

Hindi naman inamin o itinanggi ng suspek ang bintang sa kanya at posible na maharap siya sa kasong theft. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?