125
cebu-city-kidnap
Jan 8, 2018 @ 17:12
By

Babaeng estudyante dinukot ng 5 dayuhan sa Cebu City

Tinutugis ngayon ng mga pulis ang limang lalaki na sakay na isang van na may plakang PMQ 128 matapos dukutin ang isang babaeng estudyante sa Cebu City kaninang umaga.
Sabi sa report, pawang mga dayuhan ang sakay ng nasabing van.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, naghihintay ng dyip ang biktima dakong alas-5 ng umaga sa Sungold sa Bacalso Avenue  nang tangin ng mga suspek.
Nabatid na galing sa night shift duty ang biktima at pauwi na sa kanilang bahay nang mangyari ang insidente.
Nalaman ang pamilya ng biktima ang insidente nang makatanggap ang mga ito na mensahe sa Facebook na nagsasabing dinukot umano siya ng hindi kilalang mga lalaki.
Nagbanta naman ang mga dumukot na papatayin nila ang biktima kung patuloy pa nila itong hahanapin.
Nagsasagawa na follow-up operation ang mga pulis para mailigtas ang biktima.
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?