5

Oct 24, 2020 @ 21:52
By

Babaeng angkas todas sa truck

Pinaghahanap na ng mga pulis ang driver ng truck na nakabangga at nakapatay sa isang marketing assistant sa Maynila noong Biyernes.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente sa northbound ng Mel Lopez Boulevard o Road 10 kung saan pagdating sa may kanto ng Matimtiman St., sa Tondo ay na-side swipe ng truck ang motorsiklo.

Sugatan ang lalaking nagmamaneho ng motorsiklo habang nasawi ang babaeng backride niya.

Mahaharap ang driver ng truck sa reklamong reckless imprudence resulting in damage to property with physical injury at homicide.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,