181
bbl1
By

Babaeng angkas ng motorsiklo, nagulungan ng bus, todas

Sharing is caring!

Patay ang isang babaeng back ride ng motorsiklo makaraang mawalan ng kontrol sa manibela ang kasama nito na nakipaggitgitan sa isang bus sa kahabaan ng EDSA, kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.

Nakilala ang nasawi na si Ma. Suzette Conanan y Diaz, nasa hustong gulang, habang sugatan ang kasama nito na si Jonas James Fernandez na siyang nagmamaneho ng Honda motorcycle.

Batay sa report, naganap ang insidente bandang alas-7:50 ng gabi sa EDSA southbound sa harap ng Phinma Properties Bldg., Barangay Barangka Ilaya.

Sumagi ang sinasakyang motorsiklo ng biktima sa isang BBL Transport Bus matapos makipaggitgitan sa kahabaan ng EDSA at doon na nawalan ng kontrol ang kasama nito kaya’t tumilapon ang biktimang babae at nagulungan ng bus na agad nitong ikinamatay.

Dinala ang bangkay ng biktima sa Quioge Funeral habang kapwa nakakulong ang rider na si Fernandez at ang driver ng bus na si Renante Suarez sa Mandaluyong detention cell dahil sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?