1,676
sm-north
By

Babae tumalon sa 4th floor ng QC mall, dedbol

Sharing is caring!

Basag ang bungo at nagkalasug-lasog ang katawan ng isang hindi pa nakikilalang babae matapos na magpatiwakal sa pamamagitan ng pagtalon sa loob ng gusali ng SM mall sa Quezon City, kaninang tanghali.

Sa inisyal na ulat na natanggap ni Quezon City Police District (QCPD) Director P/Chief Supt. Guillermo Eleazar, ang insidente ay naganap dakong alas-12:12 ng tanghali sa ika-apat na palapag ng SM North EDSA Annex building na matatagpuan sa Barangay Sto. Cristo BB, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Lorenzo Macaraeg ng QCPD Station 2, nakatanggap sila ng tawag mula kay Elyss Rodolfo Panganiban, ng SM Supervisor Security Office at ini-report ang naturang insidente sa loob ng mall.

Agad namang nagresponde ang mga awtoridad at agad isinugod ang ‘di pa nakikilalang babae sa Quezon City General Hospital (QCGH) subalit idineklarang dead-on-arrival ni Doktora Cecilia Hagun, dahil sa tinamong head injuries at pagkabali ng mga buto sa katawan matapos bumagsak sa isang stall sa mall.

Ayon kay Panganiban, abala umano siya sa pagroronda nang makarinig na lamang siya nang tilian ng mga namamasyal sa loob ng mall at nang kanyang usisain kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga ito ay tumambad sa harap niya ang duguang katawan ng babae.

Bago ang insidente, isa sa mga namamasyal umano sa SM mall ang nakapansin na tila tulala at umiiyak pa ang babae at nagulat na lamang sila nang bigla itong tumalon.

Nananatili pa ring misteryoso ang pagpapakamatay ng babae dahil wala umanong nakitang suicide note sa mga gamit nito.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkikilanlan ng biktima upang maipagbigay-alam sa pamilya nito ang naturang insidente.

Habang isinusulat ito ay wala pa ring kapamilya o kamag-anak ang nagke-claim sa bangkay ng biktima na nasa morge ng QCGH.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?