8
views
german-doctor

Babae, todas sa nilagay na cocaine sa ‘etits’ ni dok

Sharing is caring!

Napatay ng isang German doctor ang kaulayaw nito matapos umanong budburan ng una ng cocaine ang ari nito bago siya i-oral sex ng babae.

Sinampahan na ng kaso ang plastic surgeon na si Dr. Andreas Niederbichler, 42-anyos, na chief physician umano sa German hospital.

Ayon sa report ng The Daily Mail, dinala ang babae sa bahay ng doktor sa Halberstadt matapos ang oral sex pero nahimatay ito at namatay.

Inakusahan ang doktor na nagpakain ng cocaine na lingid sa kaalaman ng babae.

Nasa interogasyon na rin ang suspek hinggil sa pagbibigay din nito sa tatlo pang babae ng cocaine habang nakikipagtalik matapos niya itong makilala online.

“The victims who have been heard so far have all indicated that they have been ill at the meetings,” ani Chief prosecutor Hal Roggenbuck sa ulat ng The Sun.

“All of them showed reactions due to the use of narcotics.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?