131
Nanaksak ng babae sa MRT, nahuli na
Sep 9, 2019 @ 17:57
By

Babae, tinadtad ng 15 saksak sa QC

Labinlimang saksak ang itinarak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng isang babae hanggang sa mapatay sa Quezon City, Linggo ng gabi.

Kinilala ni PLt. Nick Fontanilla ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District ang biktima sa alyas “Apple”, nasa edad 30-35, may flower tattoo sa kaliwang braso at tribal tattoo sa likuran.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang hindi pa kilalang mister ng biktima na umano’y nagtatrabaho bilang jeepney driver upang makapagbigay-linaw sa insidente.

Batay sa imbestigasyon ni PSSgt. Bienvenido Ribaya ng CIDU-QCPD, ang krimen ay naganap dakong alas-9:30 ng gabi (September 8) sa harap ng Philipine Science High School na matatagpuan sa dumpsite sa Agham Road, Brgy. Pag-Asa.

Ayon sa isang Jun Badilla, nakita na lamang umano niyang nagtatatakbo ang babae patungo sa kalsada galing sa looban ng Agham Road at humihingi ng tulong.

Sumakay umano ito sa isang pedicab at umupo nang saglit ngunit bigla na lang itong nag-collapse at nawalan na ng malay.

Nang kanyang tingnan ay nakitang may mga tama na pala ito ng saksak kaya’t isinugod sa pagamutan ngunit binawian din ito ng buhay.

Palaisipan naman sa mga awtoridad kung sino ang may kagagawan ng krimen. Nabatid na ang biktima ay nasa drug watchlist.

Lumabas na tatlong araw pa lang nangungupahan sa Sitio San Roque, Brgy. Bagong Pag-asa ng nabanggit na lungsod ang biktima kasama ang kanyang mister.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?