228

Jul 10, 2019 @ 19:17
By

Babae sinagip ng mga alagang aso sa rapist

Naging instant hero ang dalawang aso matapos iligtas ang babaeng amo nila sa tangkang rape sa sementeryo.

Ayon sa report, pinasyal ng biktimang si alyas Rose ang dalawang alaga niyang aso na Shih Tzu at Terrier cross sa isang sementeryo sa Melbourne, Australia dakong alas-8:30 ng gabi noong Hunyo 29.

Bigla umanong sumulpot sa likuran niya ang suspek na hindi pinangalanan at inihiga ang biktima saka pilit na hinubad ang kanyang pantalon .

Nang magsisisigaw na si Rose ay inatake ng mga alaga niyang sina RuPaul at Louie ang suspek kaya nakawala siya sa rapist.

Nagawa namang makatakas ng suspek sa mga aso at nagtatakbo palayo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?