456

By

Babae pinalo ng paulit-ulit sa pakikipaglampungan sa hindi asawa, nahimatay

Pinahiya na sa publiko, pinalo pa ng paulit-ulit ang unmarried couples na nahuling naglalampungan sa Indonesia.

Lumabag umano sa local sharia law ang anim na lalaki at babae kaya pinalo sila ng 20 beses sa likod ng rattan o yantok.

Ilan sa kanila ay umiyak at nahimatay sa sobrang sakit kaya dinala sa stretcher.

Pinarusahan ang tatlong magkasintahan sa Bustanus Salatin Park sa Banda Aceh sa harap ng mga tao dahil sa paglalampungan in public.

Ang pagpalo sa kanila ng yantok ay matapos silang ikulong ng ilang buwan, ayon sa Gulf News.

Ipinagbabawal ang “sex outside of marriage” sa Indonesia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?