63

By

Babae pinagsasaksak dahil sa P800 utang

Sharing is caring!

Binurdahan ng saksak hanggang sa mamatay ang isang 45-anyos na babae dahil lamang sa maliit nitong pagkakautang, nitong Biyernes sa Tondo, Manila.

Kinilala ang biktima na si Roselyn Dimagiba, alyas “Len-Len”, may kinakasama.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, sinaksak sa dibdib ang biktima ng suspek na si Nilo Zabala, 33, matapos silang magtalo dahil sa utang na P800 sa C. P. Garcia St., dakong alas-6:20 ng gabi.

Matapos ang ginawang krimen ay tumakas ang suspek dala ang ginamit na patalim habang isinugod sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktima pero idineklarang patay na.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng Manila Police District-Homicide Section para mahuli ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?