914,451

By

Babae patay sa non-stop sex

Nasawi ang isang babae nang makipagtalik nang walang hinto sa loob ng limang oras.

Ayon sa ulat ng The Sun, nakilala lang ang babae sa bansag na “The Beast”, 32-anyos.

Sinabi umano ni “The Beast” sa kanyang male partner na nakakaramdam siya ng pagkahilo bago inatake sa puso sa isang hotel sa southern Cali, Colombia.

Agad tumawag ng emergency services ang lalaki pero natagalan bago dumating ang rescue kaya binalutan niya muna ng blanket ang walang malay na babae at isinakay ng taxi patungong University Hospital of Valle.

Pero nang makarating sila sa ospital ay nabigo ang mga doktor na i-revive ang babae at idineklarang patay na.

Nabatid sa ginawang imbestigasyon na bumatak muna ng iligal na droga ang dalawa bago nag-sex nang walang humpay.

Sinabi ng lalaki sa mga imbestigador na limang oras na silang nagtatalik at para mapahaba ito ay tumira sila ng droga.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng imbestigasyon sa pagkamatay ng babae para madetermina kung habitual drug user ito at kung may kinalaman ang droga sa kanyang pagkasawi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?