8,768

Oct 4, 2017 @ 17:34

Babae patay nang tumalon sa 5th floor ng SM Megamall

Nasawi ang isang babae matapos tumalon sa ikalimang palapag ng Building B ng SM Mega Mall kahapon ng alas-3:15 ng hapon.

Isinugod pa ito sa Pasig Medical City subalit idineklara itong dead on arrival, ayon kay Eastern Police District CHief Superintendent Romulo Sapitula.

Sabi ni Sapitula, isang hindi pa nakikilalang babae na nakasuot ng itim na blouse at maong pants ang nagpakamatay makaraang tumalon mula sa ika limang palapag ng Building B ng SM Mega Mall at lumagapak sa basement ng mall.

Walang makitang anumang dokumento mula biktima ang mga pulis para matukoy ang pagkakakilanlan nito. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para makilala ang nagpakamatay na babae. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?