138

Oct 15, 2017 @ 17:00

Babae, nawawala sa tumaob na bangka sa Occidental Mindoro

Isa ang nawawala makaraang tumaob ang isang bangka sa San Jose, Occidental Mindoro.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nangyari ang insidente noong Biyernes ng hapon.

Siyam na katao ang sakay umano ng nasabing maliit na bangka na patawid ng Barangay San Agustin nang tangayin ng malakas na agos ng tubig na naging dahilan ng pagtaob ng bangka.

Nagawa namang mailigtas ng rescue team ang walong pasahero, pero patuloy pang pinaghahanap ang isang 19-anyos na babae na sakay din ng bangka. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?