373

Aug 5, 2019 @ 16:53
By

Babae nasagasaan ng PNR train, patay

Todas ang isang ginang matapos mabundol at makaladkad ng tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Sampaloc, Manila.

Ayon sa ulat, Linggo ng gabi nangyari ang insidente.

Kinilala ng Manila Police District ang biktima na si Rochelle Aurelio, 44-anyos.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nakaladkad si Aurelio sa riles ng may 100 metrong layo.

Isang concerned citizen ang nakakita sa bangkay ni Aurelio sa riles ng PNR alas-10:00 ng umaga nitong Lunes (Agosto 5) sa Ramon Magsaysay Boulevard, Barangay 570.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?