40

May 2, 2020 @ 20:20
By

Babae nahulog sa tricycle, todas

Patay ang 38-anyos na babae matapos mahulog ang sinasakyang topdown tricycle sa Barangay Sta. Cruz, Ivisan, Capiz noong Biyernes.

Kinilala ng Ivisan Municipal Police Station (IMPS) ang biktima na si Gigi Reyes, ng Barangay Ilaya Ivisan ng nasabing lalawigan.

Base sa report ng IMPS, sakay ng topdown na tricycle si Reyes na minamaneho ni Diony Villasoto Jr., nang biglang may huminto na motorsiklo.

Dahil dito ay biglang kinabig ni Villasoto ang manibela at dahil hindi nakahawak ang biktima kaya nahulog ito kung saan humampas ang ulo sa semento.

Agad na sinugod sa ospital si Reyes ngunit idineklara itong dead on arrival ng mga doktor dahil sa internal hemorrhage.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?