164
arestado
May 7, 2019 @ 18:50
By

Babae nagwala dahil sa donut, arestado

Dinakip ang isang babae matapos nitong basagin ang pinto ng coffee shop nang hindi mapagbilhan ng doughnut.

Ayon sa ulat, pumasok ang babaeng taga-Kingston, Jamaica sa coffee shop noong Abril 22 ng alas-4:15 ng madaling-araw.

Ikinagalit nito dahil wala pang doughnuts na nagagawa nang mga oras na iyon.

Nagsisigaw umano ang babae at sinipa ang glass door ng coffee shop na nagresulta sa pagkabasag nito bago umalis.

Hindi nahuli ang babae pero noong Mayo 2 dakong alas-5:30 ng madaling-araw ini-report ng mga empleyado na bumalik sa shop nila ang suspek.

Kinasuhan ng mischief ang 30-anyos na suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?