758
crime-scene-
Jun 19, 2019 @ 11:12
By

Babae nagulungan ng trak, hati ang katawan

Pumailalim ang bandang itaas na katawan, habang naiwang nakahandusay ang kalahati ng isang babae nang makaladkad ito ng trak sa Quezon Boulevard, Sta. Cruz, Manila.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakaangkas ng motorsiklo ang babae nang mabangga ito ng isa pang sasakyan.

Bandang alas-singko ng umaga umano nangyari ang insidente, nang mabangga ang motorsiklo ay tumilapon ang babae at dito na nagulungan ng trak.

Dinala naman sa ospiyal ang isa pang nasaktan na lalaki sa insidente, na inaalam pa ang relasyon sa nasawing babae.

Samantala, nasa kustodiya ng mga pulis si Rey Ann Fajardo, ang truck driver.

Hinahanap pa ng mga awtoridad ang nakabanggang sasakyan sa motorsiklo na tumakas sa pinangyarihan ng insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?