1,194

Mar 9, 2019 @ 15:02
By

Babae naghubad bilang pakikiisa sa International Women’s Day

Isang babae ang namataang naglalakad nang hubad sa kahabaan ng abalang kalye ng Teresa sa tapat ng Polytechnic University of the Philippines, Sta. Mesa Manila.

Isinulat nito sa katawan ang mga salitang “Don’t blame me for what I wear”, “me too”, at “don’t tell me how to dress”.

Ayon sa Facebook post ng PUP SPEAK, ang naturang paghuhubad ay dahil sa pagsasagawa ng kontemporaryong dagling-palabas ng PUP Sininglahi Polyrepertory kaisa ang isang artista mula sa Columbia na si Maria Victoria Nuñez.

Ang pagtatanghal umano ay bahagi ng selebresyon ng Pangdaigdigang Araw ng Kababaihan.

Ang pagsasagawa nito ay upang maipakita na ang sining ay isang mabisang midyum ng paglalahad ng tunay na nagaganap sa lipunan.

Layunin nitong ihatid sa mga manonood ang mensahe upang mawakasan ang iba’t ibang uri ng karahasan sa kababaihan sa buong mundo.

Hindi lamang sa labas ng paaralan naganap ang paghuhubad, naitala rin na may mga nakahubad na kababaihan sa una at ikalawang palapag ng Charlie del Rosario building sa loob ng PUP at maging sa PUP Lagoon.

Umani ng paghanga ang naturang palabas mula sa mga nakasaksi nito sa loob at labas ng Unibersidad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?