135

Apr 25, 2020 @ 10:59
By

Babae mas matagal mag-ikot: Mga lalaki ang dapat mag-grocery – Japan mayor

Binuhusan ng kritisismo ang alkalde ng Osaka, Japan matapos na irekumenda nito na ang mga lalaki ang bumili sa grocery sa kasagsagan ng COVID-19 outbreak dahil matagal umano kapag babae ang gumagawa nito.

Ayon kay Osaka Mayor Ichiro Matsui, dapat ay sa mga lalaki na iatas ang pamimili ng grocery dahil ang mga babae ay madalas umanong paikot-ikot sa supermarket at hindi agad makapagdesisyon sa kung anong bibilhin.

“Men can snap up things they are told (to buy) and go, so I think it’s good that they go shopping, avoiding human contact,” saad ni Matsui.

Nang tanungin ng reporter, saad ng alkalde na nagsasabi lang siya ng totoo base sa kanyang naobserbahan sa kanyang pamilya.

Sa scial media ay marami ang bumatikos sa mayor na sinabing dinisrespeto nito ang mga kababaihan.

Depensa pa ng ilan, kaya nagtatagal ang mga mamimili ay dahil nag-iisip din ng pwedeng maluto at mga presyo ng bilihin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?