17

Nov 25, 2021 @ 14:35
By

Babae mapapabilang sa unang turista sa kalawakan

Isang health coach mula sa Antigua at Barbuda ang nanalo ng dalawang tiket na nagkakahalaga ng halos $1 milyon para mapabilang sa mga unang turista sa kalawakan ng Virgin Galactic.

Nanalo si Keisha Schahaff, 44, naninirahan sa Carribean, at nais nitong isama ang kaniyang 17 taong gulang na anak na babae, isang science student na pangarap magtrabaho sa NASA.

Ibinalita ni Richard Branson, Virgin Galactic founder, nitong unang pasok ng Nobyembre, na si Schahaff ang nanalo.

Napanalunan ni Schahaff ang premyo pagkatapos sumali sa isang fundraiser sweepstakes na inorganisa ng Virgin Galactic sa Omaze platform, na nakalikom ng $1.7 milyon. Ang pera ay ibibigay sa non-government group na Space for Humanity.

Nagpasya si Schahaff na sumali pagkatapos makita ang isang advertisement sa isang Virgin Atlantic flight. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?