Babae, kritikal sa ligaw na bala sa kotse

Sharing is caring!

Hindi akalain ng isang babae na magiging biktima siya ng ligaw na bala habang nagmamaneho ng kanyang kotse sa Marcos Highway sa Pasig City nitong Huwebes ng gabi.

Malubhang nasugatan si Carolina dela Cruz nang tamaan ng bala sa kanyang leeg.

Ayon kay Evangeline Domingo, na kasama ni Dela Cruz sa loob ng sasakyan, nakita na lang niyang nagdurugo ang leeg ng huli at napansin din niyang may butas sa salamin ng kotse.

Nasa tapat na umano sila ng kilalang mall sa Barangay De la Paz nang mangyari ang insidente.

Agad dinala si Dela Cruz sa Marikina Valley Medical Center, na ngayon ay nasa kritikal na kondisyon.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan ang insidente ng Pasig police.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?