24

Oct 30, 2020 @ 11:23
By

Babae binurdahan ng saksak sa nawalang P250

Nagtamo ng maraming saksak ang babaeng natagpuang patay sa madamong bahagi sa likod ng isang palengke sa Cavite City.

Sa ulat, sinabi ng pulisya na nasa 20 saksak ang tinamo ng biktima sa leeg at nakasuot lang ng damit na pang-itaas.

Natagpuan din sa pinangyarihan ng krimen ang mga basag na salamin.

Nadakip ang isa sa mga suspek na si Bernardine Suazo sa isinagawang follow-up operation matapos makakalap ng impormasyon mula sa witness, na kasama ng biktima bago ang nangyaring krimen.

Sumuko naman ang pangalawang suspek na si Loreto Quillo.

Umamin ang dalawa sa ginawang krimen habang sinabi ni Suazo na basag na salamin ang ginamit niyang pampatay sa biktima dahil sa kalasingan niya.

Ayon kay Cavite City Police chief Police Lt. Col. Franco Allex Reglos, nagtalo ang isang suspek at biktima tungkol sa nawawalang P250.

Nawala raw iyon ng isang suspek at pinagdududahan ang biktima na siyang kumuha ng pera.

Nakatakdang kasuhan ang mga suspek ng murder, at rape sakaling lumabas sa medico legal na ginahasa nila ang biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?