106
ABANTE-TNT-arestado
Dec 24, 2017 @ 13:02

Babae arestado sa pag-iiskandalo

Dinakip ng operatiba ng Manila Police District Station 3-Sta. Cruz Police Station ang isang 20-anyos na babae dahil sa pag-iiskandalo sa Oroquieta St. sa nabanggit na lungsod.

Batay sa imbestigasyon ni P01 Julio Espiritu, rumesponde sila sa bahay ng suspek na si Clyde Shalton Bendijo, sa Oroquieta St. Nang magsumbong ang mga kapitbahay nito sa kanilang tanggapan dahil umano sa pagwawala sa hindi mabatid na kadahilanan.

Sa pagtungo ng mga pulis sa lugar ay nadatnan pa nila ang suspek na nagsisisigaw na nakaagaw naman ng pansin sa kanyang mga kapitbahay.

Nang aarestuhin na ang suspek ay nakuhanan ito ng isang improvised Pen Gun na may karga ng bala ng kalibre .38.

Bago dalhin sa presinto ay dinala muna sa Justice Jose Abad Santos General Hospital ang suspek para sa mandatoryong medical examination.

Sa pagtatanong ng mga imbestigador sa suspek sa pangunguna ni P01 Espiritu nabatid na miyembro pala ng Commando Gang ang suspek.

Nahaharap siya ngayon ng kasong paglabag sa City Ordinance RO 844 (Breach of Peace ) at RA 10591 (comprehensive law on firearms and ammunitions).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?