52

Nov 8, 2021 @ 16:05
By

B.1.617.1 nakapasok na sa Pinas

Kinumpirma ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire ngayong Lunes na nakapasok na sa bansa ang COVID variant na B.1.617.1.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang B.1.617.1 ay isang variant under monitoring. Dati itong tinatawag na Kappa variant.

“It is a variant of interest but as of September 20, 2021, it was declassified and is currently designated by the WHO as a variant under monitoring,” wika ni Vergeire.

Ang unang biktima ng nasabing variant ay isang 32-anyos na lalaki mula sa Floridablanca, Pampanga, na isa rin umanong local case.

Noong Hunyo 2 pa umano nakolekta ang sample ng biktima, at nakarekober na ito sa COVID.

“Further investigation is being done by our regional epidemiology and surveillance unit in order to gather more information on this case and there is strict monitoring of this case and the community,” dagdag ni Vergeire.

Unang naitala ang B.1.617.1 variant sa India noong Oktubre ng nakaraang taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?