24
views

By

Azkals umangat sa FIFA rankings

Sharing is caring!

Matapos ang makasaysayang paglagak sa AFC Asian Cup, umukit uli ng history ang Philippine Azkals.

Nakamit ng Azkals ang pinakamataas nilang FIFA ranking sa pagpuwesto bilang ika-113.

Umakyat ang Azkals ng siyam na hakbang mula sa pagiging ika-122 noong March rankings, katabla na ngayon ang Kenya.

Nananatili naman silang pangalawang “best team” sa Southeast Asia dahil nakapako pa rin ang Vietnam sa unahan at umakyat pa na ika-103.

No. 1 naman ang Iran sa football team sa Asya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?