49

By

Azkals team captain Phil Younghusband nagretiro na

Inanunsiyo ng Filipino-British footballer na si Phil Younghusband ang retirement nito sa sport nitong Lunes.

Sa edad na 32, tatapusin ni Younghusband ang 13 years niyang career bilang top goal scorer ng bansa sa 52 goals.

Siya rin ang may hawak ng record na “most appearances” para sa national team sa sinabakang 108 na laban.

Naitalaga si Younghusband bilang captain ng PH Azkals matapos magretiro ni Rob Gier, tatlong taon na ang nakalipas.

“Hanging up my boots! Thank you to my bosses, my coaches, team mates, competitors and all the supporters who have been part of my journey. See you all soon in a new adventure,” sabi niya sa Instagram post.


Kabilang sa hindi malilimutang karangalan na binigay sa bansa ni Younghusband ang goal niya sa 2010 AFF Suzuki Cup sa Hanoi, Vietnam.

Lamang ang Azkals, 1-0, laban sa noo’y defending champion na Vietnam, si Younghusband ang siyang nagpasok ng goal at nagselyo sa 2-0 victory ng PH football team.

Kinokonsidera itong biggest upsets sa tournament history at tinawag na “Miracle in Hanoi”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?