19

By ,

Azkals panalo agad sa 2018 Suzuki Cup

Sharing is caring!

Sinimulan ng Philippine Azkals ang kanilang kampanya sa 2018 ASEAN Football Federation (AFF) Suzuki Cup sa bisa ng 1-0 victory kontra Singapore nitong Nobyembre 14 sa Pana-ad Park and Stadium sa Bacolod.

Sinamantala ng Azkals ang pagkawala ng dalawang forward ng Lions na sina Faris Ramil at Sharhril Ishak dahil sa ininda nitong cramp at sa ika-78 minuto ng laro ay naka-goal si Patrick Reichelt para sa Pilipinas.

May pagkakataon sana ang Lions na itabla ang laro pero agad naharangan ni Filipino-Japanese defender Daisuke Sato ang bola.

“It’s a very big win, a very important win. These 3 points are very very important for us. I think we deserve it. I think we were the better team, one-nil, it could have been two so I’m very happy,” wika ni Azkals head coach Sven-Göran Eriksson.

Pinigilan ng Azkals ang Singapore na sungkitin nito ang panalo lalo na’t tangan nila ang momentum nang manalo ito kontra Indonesia, 1-0, noong Sabado, Nobyembre 9, dahil dito ang Pilipinas ang unang nakakuha ng 3 points sa early logjam kasama ang Thailand at Indonesia sa Group B.

Sunod na makakaharap ng Azkals ang Timor Leste sa Sabado, Nobyembre 17, 8 PM sa Kuala Lumpur Stadium sa Malaysia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?