17

Jun 12, 2021 @ 14:50
By

Azkals, nilapa ang Guam

Nagbalik ang bagsik ng Philippine Azkals kahapon matapos ibaon ang Guam, 3-0, sa Sharjah, United Arab Emirates.

Unang umiskor si Angel Guirado sa 12th minute, na siyang kanyang ika-11 international goal.

At tila nasa panig na rin ng Azkals ang swerte ng mag commit ng own goal ang isang player mula sa Guam na siyang nag-angat sa score na 2-0 sa 60th minute.

Tuluyan pang binaon ni Mark Hartmann ang kalaban sa kanyang goal sa 88th minute.

Dahil sa panalo ay nanatili sa ikatlong pwesto sa kanilang group ang Azkals sa kanilang 10 points.

Sigurado na rin na pasok na ang koponan sa susunod na round ng Asian Cup qualifiers.

Huling makakalaban ng Azkals ang Maldives sa Hunyo 15.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,