15

May 6, 2021 @ 15:05

Azkals ibabalik bangis sa Doha training camp

Dalawang linggong magsasanay sa Doha, Qatar ang Philippine Azkals bilang paghahanda sa ikalawang round ng World Cup/Asian Cup Qualifiers.

Ito ang kinumpirma ni Philippine Football Federation president Nonong Araneta sa isang press briefing nitong Miyerkules, kung saan sinabi nito na nakatakdang magsimula ang training camp sa Mayo 18 at magtatapos sa Mayo 31.

“As you know very well, it’s so hard to train now in the Philippines so we have decided to do a training camp in Qatar,” pahayag ni Araneta.

Dagdag pa niya, habang nasa Doha ay maaaring magdaos ng friendly matches ang Azkals kontra sa mga koponan na kalaban nito sa Group A ng nasabing torneo.

Ayon naman kay Azkals team manager Dan Palami, hindi pa pormal na pinapangalagaan ang mga bubuo sa koponan para sa naturang training camp ngunit 26 na mga manlalaro ang nais nilang makabilang dito.

Magbabalik-aksyon ang Azkals sa Hunyo 3 sa pakikipagharap nito sa Guam susundan ng pakikipag-sagupaan sa China sa Hunyo 6 at kontra Syria naman sa Hunyo 15.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?