77

Mar 16, 2018 @ 12:03
By

Azkals angat sa FIFA ranking

Umakyat ang ranking sa FIFA ng Philippine Azkals bago pa man krusyal na AFC Asian Cup Qualifier match.

Sa latest FIFA rankings, nasa 122nd overall ang puwesto ang Azkal s mula sa dating 123rd.

Kasama ng Azkals ang walong bansa sa one-spot upgrade sa kanilang rankings sa 119th-126th places overall.

Bagama’t umakyat ng isa, nanatili pa ring nasa likod ng Vietnam ang Pilipinas sa Southeast Asian ranking. Sa kasalukuyan, 113rd ang ranking ng Vietnam.

Nangunguna pa rin ang Germany sa workd rankings habang ang Iran ay No. 1 sa Asya sa pang-33.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?