7

By

Azerbaijan GM kampeon, Gonzales pang-5 puwesto

Sharing is caring!

Lumanding sa fifth place si Filipino Grandmaster Jayson Gonzales matapos nitong kalusin sa ninth at final round si International Master Luis Lazaro Aguero Jimenez ng Cuba sa 41st Open International Barbera del Valles 2018 Chess Championship sa Barbera de Valles, Spain, Huwebes ng gabi.

Inabot ng 52 moves ng Irregular opening bago tinalbos ni 49-year-old Gonzales si Jimenez, nakipagpalitan ng piyesa upang atakihin ang kingside ng kalaban.

Kasalo si Gonzales sa third kasama sina GM Isan Reynaldo Ortiz Suarez ng Cuba, GM Andrea Stella ng Italy at IM Venkataraman Karthik ng India na may tig 6.5 points subalit tumapos ng pang-lima matapos ipatupad ang tiebreaks.

Nagkampeon si Azerbaijan GM Gadir Guseinov matapos ilista ang 7.5 points, kalahating puntos na abante kay second placer Indian 16-year-old IM P Iniyan.

Nakopo naman ni GM Eugene Torre ang top senior honor matapos kaldagin si GM Namig Guliyev, nakalikom siya ng 5.5 points.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?