8

May 4, 2021 @ 15:40
By

Ayudang naipamahagi sa San Juan, halos P92M

Halos P92 milyon halaga ng ayuda na ang naipamahagi ng pamahalaang lungsod ng San Juan para sa mga naapektuhan ng mga lockdown sa lugar, ayon kay city Mayor Francis Zamora.

Sa panayam kay Zamora sa programang Headstart ng ANC, sinabi nito na ang naturang halaga ay parte ng P98 milyon na kabuuang pondo na kanilang nilaan para sa pantulong pinansyal sa mga residente ng San Juan.

“Yung cash ayuda natin, the one that they called the ECQ (Enhanced Community Quarantine) financial assistance, P98 million was allocated to San Juan and we have disbursed close to P92 million,” saad ni Zamora.

“Now, (we have) the P6 million balance, this is because some did not claim their financial assistance. Possibly they were locked down in the province or some other place, or possibly they are positive (for COVID) or under quarantine,” dagdag ng alkalde.

Ayon pa kay Zamora, ang mga residente na hindi pa nakukuha ang kanilang ayuda ay maaaring i-check ang official Facebook account ng city government upang malaman ang schedule ng pag-release ng ayuda at mga dokumento na dapat nilang dalhin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?