39
cua
Jun 5, 2018 @ 16:57
By

Ayuda sa mahihirap, pinamamadali sa gitna ng epekto ng TRAIN

Gigisahin ng House committee on ways and means ang mga opisyal ng gobyerno sa naantalang implementasyon ng social protection program ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act.

Ito’y matapos lumampas sa target na 2 porsiyento at sa halip ay umabot ng 4 porsiyento ang inflation rate sa tatlong magkakasunod na buwan.

Muling umapela si committee chairman Quirino Rep. Dakila Carlo Cua na ipamigay na ang social benefits card, unconditional cash transfers, at fuel vouchers sa ilalim

ng TRAIN Law.

Tiniyak ni Cua na pinondohan ng Kongreso ang nabanggit na social protection measures sa 2018 General Appropriations Act (GAA) gaya ng P25 billion para sa unconditional cash transfer at halos P900 million para sa fuel vouchers.

“The committee is arranging a roundtable discussion with the implementing agencies to discuss the delays and come up with a way forward,” sabi ni Cua.

“Regardless of the causes, the effects of price increases are more pronounced on those who have less income. They are the families who

can barely get by and urgently need help from government. During the deliberations for TRAIN, the economic managers gave Congress their assurance that programs will be in place to help Filipinos cope with rising commodity prices,” dagdag ng kongresista.

Binigyang-diin ni Cua na ang social benefits card ang inaasahang makatutulong para makaagapay ang mga Pilipino sa mataas na presyo ng mga bilihin at singil sa serbisyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?